![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhOT94-lKN-HxfLPAZvBp_QQLxhjWjetVBan9kaPsHt8lNk7UvM6HxjU73XjL2MM10o1K003S62S3R8zuyXRVHJNDZblPuniC1Ll1Tp_WM1R3Xk0nbzrODLzRSJH3ZSAOgED2AID1O4x4U/s320/picture-3%5B1%5D.png)
september 26,2009 nang dumating si ondoy sa pilipinas. marami ang nag akala na isang normal na bagyo lamang sya kaya wala naman nag panic. kahit mga taga PAGASA hindi nabahala sa bagyong ito dahil hindi naman daw sya malakas, ulan lang daw ang dala nito at mahina lang ang hangin. tama naman ang PAGASA dun yun nga lang hindi tumitigil ang ulan kaya pag dating ng umaga baha na sa ibat ibang lugar sa maynila at hindi lamang simpleng baha kundi lampas tao na baha. marami ang natrap sa bubong ng bahay kahit may second floor pa sila. ganun ka taas ang baha. nagulat ang mga tao at nataranta. hindi nila alam kung anong gagawin at kung ano ang uunahin. ang iba inuna ang sarili, yung iba naman inuna ang mga gamit at yung iba naman inuna pa yung mga alaga nilang hayop bago ang kanilang sarili. ganyan ang nangyari sa mga kapitbahay namin dito sa muntinlupa. maswerte lng kami at hindi binaha ang bahay namin. (sa mga hindi nakaka alam kung anong itsura ng soldoers hills village, isa itong village na mukang burol dahil sa mga kalye nitong pataas at pababa.) ang bahay namin ay nasa taas kaya hindi kami inabot pero kung lumakas pa yung ulan malamang inabot na kami,pero mabuti na din at hindi kami inabot, kasi pag inabot ang bahay namin lubog na ang bahay nila kaya mabuti nalang. nagulat ang lahat ng tao dito kasi hindi naman kami tlaga bahain kahit nung dumating si milenyo binaha halos lahat ng lugar sa maynila pero samin hindi kaya ang dami talaga ang nagulat samin. sa lahat ng lugar na binaha sa maynila ang marikina ang may pinaka malala ang inabot. bago pa dumating si ondoy sa pilipinas pinakita pa sa isang morning show ang marikina. pinagmamalaki pa nila kung gaano ka disiplina ang mga nakatira doon dahil malinis ang lkanilang mga kalsada at pinakita din nila ang kanilang bagong museum na naglalarawan sa marikina. ewan ko nga lang kung ano na ang kalagayan nito ngayon at kung naayos na ba ito dahil sa dami pa ng kanilang dapat unahin. marami ang humihingi ng tulong na aabutin na sila ng tubig at wala na silang maputahan dahil nasa bubong na sila. sa sobrang taas ng tubig wala ng ibang sasakyan ang makadaan kundi motor boat lang, sa dinami dami ng tao sa marikina 13 lang ang motor boat na ginagamit na pangkuha sa kanila, kaya ang iba isang linggo na ang nakaraan bago sila makuha. hinang hina na ang mga tao bago nila nakuha, gutom at dehydrated na ang mga ito. buti na lang at marami kagad ang nagdonate ng pagkain para sa mga binaha kaya may nakakain kagad sila pagkatapos silang makuha. mabilis din umaksyong ang mga artista at nagsidonate sila ng mga pera at nakiusap sa kanilang mga sponsor na magdonate din ng kailang mga produkto. marami din ang tumulong sa pag pack ng mga relief goods kaya nakapag pamigay kaagad sila sa mga lugar na binaha. may mga school din na nagbukas at nagpatuloy sa mga binaha at sa sobrang dami ng binaha pati malacñang nagbukas na din para sa mga binaha. isang linggo din na walang pasok ang mga estudyante pati sa kolehiyo, dahil binaha din ang kanilang mga campus, yung iba na may pasok nung sabado eh linggo na nakauwi dahil natrap na sila. hindi lang baha ang dinulot ni ondoy kundi pati grabeng traffic.marami ang natrap sa sasakyan kaya yung iba nagbabaan nalang tapos naglakad nalang sila pauwi, yung iba naman bumalik nalang sa opisina nila. hindi na makagalaw ang mga sasakyan kasi wala na silang mapuntahan, buti nalang inutusan ni pangulong gloria ang sm megamall na buksan ang kanilang parking lot para hindi nakabara ang mga sasakyan sa kalsada at para makadaan din yung mga military truck na pupunta sa mga binahang lugar. pagkatapos ng ulan nagsilutangan naman ang mga patay na hayop at mga patay na tao. ito yung mga mga tinangay ng baha noong kalakasan pa ng bagyo. karamihan sa mga ito ay nakatira sa may ilog. katulad nalang nung pinakita sa tv na buong pamilya sila na nasa bubong tapos inaagos sila ng malakas na tubig sa ilog, dalawa lang sakanila ang nakitang buhay at ang iba naman hanggang ngayon hindi pa din nakikita. marami ang namatay dahil kay ondoy pero hindi naman sya malakas na bagyo kaya marami ang nakaisip na baka dahil sa tuloy-tuloy na pagpuputol ng puno sa bansa at sa napaka daming basura na tinatapon sa ilog araw-araw. kasalanan din natin kung bakit naging ganito ang resulta ng bagyo at siguro pinapaalala lang sa atin na nakakalimutan na natin yung tungkulin natin na pangalagaan ang kalikasan at ayusin muli ang ating mundo. sabi naman ng mga experts climate change daw yung dahilan eh sino ba may gawa ng climate? diba tayong mga tao din. kaya siguro dapat iturin natin ang pangyayaring ito na isang wake up call para sa ating lahat at simulan nang ayusin ang mundo bago pa maulit uli ito. dapat maging handa na rin tayo palagi para sa kahit anong kalamidad na dadating, katulad ngayon samin, lagi na kaming may nakahandang ready to eat na pagkain, tubig,first aid kit, ilaw, at pito. sana lang hindi na maulit ito at kung maulit man sana hindi na ganito kalala. ingat nalang palagi at dapat ready sa kahit ano.
No comments:
Post a Comment